MAG-ASAWA, 14 PA TIKLO SA DRUG WAR

BULACAN – Isang mag-asawa at 14 iba pa ang magkakasunod na nasakote ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) operatives sa anti-illegal drug operation sa mga bayan ng Plaridel, Paombong, San Rafael at Guiguinto, pawang sa lalawigang ito, noong Lunes ng gabi.

Base sa report ni P/Lt. Col. Victorino Valdez kay P/Col. Lawrence Cajipe, Provincial Director ng Bulacan PNP, nadakip ang mag-asawang sina Ma. Airnna Talindan y Aquino at Reivi Talindan y Surio, kapwa ng Barangay Sto. Nino, Plaridel, sa follow-up operation sa Barangay Agnaya.

Habang sa Barangay Banga, Plaridel ay nadakip naman ang mga suspek na sina Mark Villapando alyas Kim, Benjie Sulit at Ernesto Villafuerte at nakumpiska sa mga suspek ang 50 pakete ng shabu at buy-bust money.

Habang nakorner ng SDEU ng San Rafael, Paombong at Guiguinto ang iba pang mga suspek na sina Eric Paloma, Francisco Lagmay alyas Lumen, Francis Tan, Alfred Sakay at kapatid nitong si Al Sakay.

Nakumpiska sa kanila ng mga awtoridad ng walong pakete ng shabu.

Nauna rito, lima pang umano’y drug pusher ang nakorner ng pulisya sa Barangay Perez, Meycauayan City at Barangay Mapulang Lupa, Pandi noong Linggo ng gabi.

Nakuha sa kanila ang 14 pakete ng shabu at buy-bust money. (GINA BORLONGAN)

162

Related posts

Leave a Comment