NAPAKINGGAN ng Malakanyang ang sentimyento at naiintindihan ang kahalagahan ng mga manggagawa sa pagko- commute mula sa kanilang tirahan patungo sa kanilang trabaho at vice-versa kapag muling binuksan ang ekonomiya.
Dulot nito, binuksan na ng Department of Transportation ang (8) city bus routes noong nakaraang linggo at sa naging kautusan ng Pangulo, ay dinagdagan pa ito ng 3 na pumasada na rin ngayong araw, Hunyo 8, at mas maraming rationalized routes sa mga susunod na araw.
Sinabi ni Presidential spokesperson Harry Roque na kailangan nila kasing ikonsidera ang Metro Manila na nananatili sa ilalim ng General Community Quarantine lalo pa’t ang banta ng COVID-19 ay umiiral pa rin.
“At this juncture, we still cannot let all modes of transportation to be on the streets. This will defeat the purpose of quarantine. Unless a vaccine or cure is available, we must not let our guards down,” aniya pa rin.
Nauna rito, ipinatupad ng DOTr ang ‘gradual, calibrated and partial resumption’ ng public transport sa ilalim ng dalawang phases.
Mula June 1 -21, 2020, ang public transportation kabilang na ang train at bus augmentation, taxis at TNVS, shuttle services, point-to-point buses, public utility buses at bisikleta. Ang public utility buses, na orihinal na nagmula sa Phase 2, ay unti-unting ilalagay sa Phase 1.
Tinatayang 28 point-to-point routes, na may 268 bus units at mayroong access sa commuters mula peripheral gaya ng Alabang, Bacoor, Bulacan, at Antipolo.
May 31,700 taxi at TNVs ang dineploy na gumagamit ng cashless transactions at online payments para sa fare collection.
Samantala, muli namang umapela ang Malakanyang sa private sector na mag- provide ng shuttle services sa kanilang mga empleyado.
“What the Administration is doing is balancing the need to revitalize the economy so that we can have livelihood and jobs while looking out for and protecting the health and safety of the public as well,” pagtatapos ni Sec. Roque. CHRISTIAN DALE
254
