COVID-19 BEDS SA ST. LUKE’S, MMC PUNUAN NA

INIHAYAG ng Makati Medical Center (MMC) at St. Luke’s Medical Center (SLMC) sa Quezon City at sa Bonifacio Global City, na kapwa na nila naabot ang full capacity para sa intensive care beds na inilaan para sa coronavirus patients.

Inanunsyo ng pamunuan ng MMC na umabot na sa full capacity ang kanilang allocated beds para sa mga pasyenteng apektado ng COVID-19.

Sinabi ng pamunuan ng MMC, puno na ang COVID-19 zones ng ospital kasama ang regular wards, Critical Care Units at Emergency Room.

“To cope with the surge, MMC has augmented its physical and manpower resources to accommodate more patients, hired new recruits and closed some areas to supplement workforce in other vital units,” pahayag ng ospital.

“Much as we would want to extend the same degree of care and attention to any additional admission for COVID-19, MMC has reached its threshold in its capacity to respond to more COVID-19 patients,” dagdag pa nito.

Sa kabila ng dami ng COVID-19 patients sa ospital, tiniyak ng MMC ang kaligtasan ng naka-admit na non-COVID patients.

Samantala, inanunsyo rin ng pamunuan ng St. Luke’s Medical Center sa Quezon City at Bonifacio Global City (BGC) na umabot na sa full capacity ang kanilang COVID-19 intensive care unit (ICU) beds.

Dahil dito, hiniling ang ospital sa publiko na ikonsidera ang pagdadala ng COVID-19 suspects na may malubhang karamdaman sa ibang alternatibong ospital.

“In this regard, we request the public to consider bringing critically ill COVID-19 suspects to alternative hospital so they will receive immediate and utmost care,” paliwanag ng SLMC.

Sinabi ng ospital na maglalabas sila ng abiso kapag nagbukas na muli para sa COVID-19 ICU beds.

Sa ngayon, tuloy pa rin naman anilang ina-accommodate ang admission at treatment ng non-COVID-19 cases kabilang ang outpatients procedures.

“We appeal to the public to avoid complacency and strictly adhere to health protocols and preventive measures against COVID-19,” dagdag pa nito. (SAKSI NGAYON NEWS TEAM)

234

Related posts

Leave a Comment