Si Lim ay nagsimulang manungkulan bilang NBI director noong Disyembre 23, 1989 hanggang Marso 20,1992.
Ayon kay NBI OIC Eric Distor, kahit wala na si Lim, patuloy pa rin nilang kikilalanin na naging bahagi ito ng ahensiya.
Tiniyak pa ni Distor na mami-miss si Lim sa NBI dahil patuloy itong dumadalaw kapag anibersaryo, Pasko at iba pang mahahalagang okasyon.
“In honor of Mayor Lim, the NBI will observe half-mast of the Phil. flag in the head office and all its regional and district offices across the country,” ayon kay Distor.
Samantala, bilang pagkilala at pakikidalamhati sa pagpanaw ni Lim, pinatay naman ang ilaw ng tower clock ng Manila City Hall.
Pinasalamatan naman ni Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso ang naging serbisyo ni Lim para sa mga Batang Maynila na hindi nito makalilimutan kailanman. (RENE CRISOSTOMO)
