NABIGYAN ng ayuda tulad ng face mask at bisikleta ang ilang biktima ng sunog sa mga lalawigan.
Kahit may pandemya, patuloy ang tanggapan ni Senator Christopher Bong Go sa paghahatid ng tulong sa mga biktima ng sunog sa iba’t ibang panig ng bansa.
Sa pahayag, sinabi ni Go na pinakahuling napadalhan ng tulong ang mga biktima ng sunog sa Barangay Ibo, Barangay Looc at Barangay Pajac sa Lapu-Lapu City sa Cebu at mga barangay Bucana
at Talomo sa Davao City kung saan “virtually” ay sinubaybayan nito ang pamamahagi ng tulong.
Kabilang sa mga ipinamigay ng tanggapan ni Go ang mga face mask para makatulong sa pag-iwas na mahawa sa virus habang bisekleta sa ilan para naman makatulong sa kanilang pagbiyahe dahil
sa kawalan ng public transportation.
Kaugnay nito, muling tiniyak ni Go na tuloy ang pagtulong niya sa mga kababayan lalo na sa mga naapektuhan ng sunog na nakadagdag sa kanilang pasakit sa gitna ng pagharap ng bansa sa
pandemyang dulot ng COVID-19.
Tiniyak din niya na sinusunod ng kanyang tanggapan ang lahat ng health at safety protocols.
Samantala, sampung masuwerteng beneficiaries naman ang nakatanggap ng livelihood assistance mula sa DTI na kinabibilangan ng Home Service Salon Negosyo Kit, Sari-Sari Store Negosyo Kit at E- load Retailing Negosyo Kit. (ESTONG REYES)
