3 DRUG PUSHERS NAKORNER

TATLONG hinihinalang tulak ng ilegal na droga, kabilang ang isang babae, ang arestado sa magkahiwalay na buy-bust operation ng pulisya sa mga lungsod ng Caloocan at Malabon.

Dakong alas-9:45 ng gabi noong Linggo nang isagawa ng mga operatiba ng Caloocan Police Station Drug Enforcement Unit (SDEU), sa pangunguna ni P/Capt. Joel Guimpatan, ang buy-bust operation kontra sa umano’y tulak na si Emmanuel JR Restum, 20, ng Admi St., Brgy. 186, Tala sa Gumamela St., Malaria, Brgy. 185.

Nang tanggapin ang P200 marked money mula kay P/Cpl. Roger Abrenica na umaktong poseurbuyer, kapalit ng isang sachet ng shabu, ay agad inaresto ng mga awtoridad ang suspek.

Sa Malabon, natimbog din ng mga operatiba ng SDEU, sa pangunguna ni P/Lt. Adonis Aguila, sa buy-bust operation sa Victoneta Avenue, Brgy. Potrero, alas-2:15 ng madaling araw, ang suspek na
sina Joel Renegado, 58, helper sa Towing Service, at Ma. Asuncion Velez, 20, kapwa ng Brgy. Balonbato, Quezon City.

Aabot sa 4 gramo ng umano’y shabu na P27, 200 ang halaga at P500 buy-bust money ang nakumpiska mula sa mga suspek. (FRANCIS SORIANO)

117

Related posts

Leave a Comment