2 TOTOY NALAMBAT SA P100-K SHABU

ARESTADO ang dalawang menor de edad at dalawang kasamahan sa ikinasang Oplan Galugad noong Lunes ng gabi sa Pasay City.

Sa tala ng Pasay City Police, nagsagawa ng ‘validation’ hinggil sa paglaganap ng ilegal na droga sa Acasia St., Brgy. 145, Zone 16, Pasay City ang mga operatiba ng Station Intelligence Branch at nagpositibo ang timbre ng inpormante.

Sa isinagawang ‘validation,’ natiyempuhan at naaresto sa Blk. 18, Lot 19, Acasia St., Brgy. 145, Zone 16, Pasay City dakong alas-11:55 gabi noong Lunes ang mga suspek na sina alyas Prince at alyas Arvin, kapwa 17-anyos, at dalawa pang sina alyas Kevin at alyas Ayong, dahil sa pag-iingat ng ilegal na droga.

Nakumpiska sa apat na mga suspek ang 25 sachet ng umano’y shabu, tumitimbang ng 15.55 gramo at tinatayang P105,740 ang street value. (DAVE MEDINA)

141

Related posts

Leave a Comment