DILG PROBE IKAKASA SA ZOOM MEETING SCANDAL

IIMBESTIGAHAN ng Department of Interior and Local Government (DILG) ang sex scandal ng dalawang barangay official na napanood sa kanilang zoom meeting kamakailan sa Dasmariñas, Cavite.

“Kaagad-agad ho paiimbestigahan natin sa ating regional offices kung ano ang mga posibleng violation nito dahil nga po this is conduct unbecoming of a public official, mayroon po tayong code of conduct of public official, mukhang marami pong nalabag na mga probisyon doon sa batas na ‘yun,” ani DILG Spokesperson Jonathan Malaya.

Sa panayam sa isang SK official, napanood umano ng buong konseho ang pagtatalik ng barangay chairman at kanyang treasurer.

Sinasabing aksidente umanong nalimutang takpan ng kapitan ang camera ng kanyang cellphone.

“Bale dalawa kasi ‘yung device na nagamit n’ya daw, ‘yung isa laptop, ‘yung isa ay phone and then gagawin na nila ang act na ‘yun. Tinakpan n’ya si laptop then nakalimutan niya na patayin si cellphone kaya na-broadcast,” ani SK official.

Dahil sa insidente, nagkaisa na umano ang buong konseho maging ang kanilang mga nasasakupan na lumagda sa isang petisyon para palitan ang kanilang kapitan. (JESSE KABEL)

270

Related posts

Leave a Comment