CAVITE MEDICAL CENTER ER SARADO DAHIL SA ‘MENINGO’

nurse

(NI ROSS CORTEZ)

SARADO mula pa Miyerkoles ng tanghali ang emergency room ng Cavite Medical Center sa Cavite City sanhi umano ng pagkamatay ng batang lalaki na tinamaan ng sakit na meningococcemia matapos itong maisugod doon Martes ng hapon.

Tumangging magbigay ng pahayag ang pamunuan ng ospital dahil magpupulong pa raw ang mga miyembro ng Board of Directors bago maglabas ng opisyal na pahayag sa pangyayari

Tikom rin ang bibig ng mga staff at employee sa loob ng ospital dahil hindi raw sila otorisadong magbigay ng pahayag kaugnay rito, lalo’t mqy umiiral na Data Breach at Data Secrecy Policy sa loob

Galing din umano sa ibang ospital ang pasyenteng isinugod doon na hinihinalang may meningo

Makaraang bawian ng buhay ang pasyente, agad inilagay sa quarantine status ang emergency room at mabilisang nagsagawa ng ultraviolet disinfection process na tumakbo ng walong oras noong Martes at nagpatuloy ng panibagong walong oras na disinfection process hanggang kanina.

Pansamantalang ginamit ang board room bilang emergency room para sa mga light cases, at inaasahang matatapos ang proseso bukas, Huwebes.

asado alas onse ng umaga ng Miyerkoles nang ilabas sa morgue ng ospital ang labi ng biktima at idineretso sa hindi pinangalanang punerarya

Nakatakda rin umanong magsagawa ng pagsusuri ang Dept of Health (DoH) sa bangkay ng biktima para matukoy ang tunay na sanhi ng kamatayan nito

Mula kahapon hanggang kanina ay pawang naka face mask ang mga tao sa loob at labas ng ospital at maging ang mga pulis na nakatalaga sa outpost na katabi ng ospital ay nagsipag suot na rin ng face mask.

325

Related posts

Leave a Comment