APAT katao na naman ang namatay sa COVID-19 sa Quezon City, ayon sa pinakahuling ulat ng lokal na pamahalaan.
Base sa Quezon City COVID-19 Media Bulletin noong Huwebes, Setyembre 3, may naitalang apat na bagong kaso ng pagkamatay ang lungsod.
Ang bilang na ito ay nagdala ng kabuuang bilang na 432 ng pagkamatay sa siyudad.
Ayon pa sa ulat, hanggang Setyembre 3, ang kabuuang bilang ng validated cases ng QC Epidemiology and Surveillance Unit at District Health Offices ay umabot na sa 12, 317.
May karagdagang 279 kaso na naidagdag sa 12, 038 nai-report noong Setyembre 2, kaya naging 12, 317 ang kabuuang bilang.
Nakapagtala naman ng active COVID-19 cases ang lungsod na bilang na 2, 086.
Sa nasabi ring petsa ay may naiulat na 114 bagong gumaling na nagdala ng kabuuang bilang ng mga nakarekober sa siyudad sa bilang na 9,799.
Patuloy naman ang pagtaas ng bilang ng mga kaso at pagkamatay ng COVID-19 patients sa iba’t ibang barangay sa anim na distrito ng Lungsod Quezon. (JOEL O. AMONGO)
