HUMINGI na ng tulong si Presidential Communications Operations Office (PCOO) Secretary Martin Andanar sa mga youth leader sa Northern Mindanao para tulungan ang komunidad na magpalaganap ng tamang impormasyon at kamalayan ukol sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic.
Binigyang diin ni Sec. Andanar, pinuno rin ng Cabinet Officer for Regional Development and Security for Region 10 (Cords-10), ang magiging papel ng Sangguniang Kabataan (SK) o youth council sa bawat barangay na tulungang turuan ang kanilang komunidad hinggil sa pandemiya na tiyakin na sumusunod sa health protocols para maiwasan na kumalat ang COVID-19.
“I want Region 10 to be the best region in fighting Covid-19. I want Region 10 to become number one in the fight against COVID-19. I will do my best to meet you because the majority of the population belongs to the youth and we need to protect our youth from COVID-19,” ayon kay Sec. Andanar, sa isinagawang online meeting kasama ang mga SK leader ng lungsod kamakailan.
Sinabi pa ni Sec. Andanar na ang “core message” ng kampanya ng pamahalaan laban sa COVID-19 ay maaaring pagsamahin at makabuo ng acronym na PDITR: “Prevention, Detection, Isolation, Treatment, and Reintegration (PDITR).
At dahil may umiiral na education information at communication campaigns mula sa Department of Health (DOH) ay sinabi ni Sec. Andanar na ang youth leaders ay makatutulong na magpakalat ng mahahalagang impormasyon sa pamamagitan ng social media. (CHRISTIAN DALE)
180
