PUBLIKO BINALAAN SA VAPE PRODUCT NA MAY MARIJUANA

SINANG-AYUNAN ng Dangerous Drugs Board (DDB) ang babala na inilabas ng Food and Drug Administration (FDA) laban sa pagbili at paggamit ng vapor product refill, na may brand name na
“Gluttony” at “Mamon,” na nakitaan ng sangkap na cannabinol.

Ang paglalabas ng babala ay dahil sa seryosong sa dulot sa kalusugan at legal na implikasyon ng produkto.

Ayon pa sa DDB, pinaalalahanan nila ang publiko sa ilalim ng Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, na inamyendahan, na ilegal ang importation, cultivation, distribution, sale, purchase, possession, o paggamit ng cannabis o marijuana.

Maging anumang parte ng halaman at buto nito at lahat ng geographic varieties, maging isang reefer, resin, extract, tincture o anumang porma nito, ay ilegal.

Ang cannabinol, isang cannabinoid extracted mula sa cannabis plant, ay kasama sa ipinagbabawal.

Samakatuwid, ang manufacture, distribution, sale, purchase, possession, at paggamit ng produktong may sangkap na cannabinol ay ipinagbabawal sa batas.

Ang cannabinol content, beripikado sa pamamagitan ng pagsuri ng FDA, ng vapor product refill na may tatak na “Gluttony-Mamon,” ay hindi lamang nakasasama kundi ilegal din.

Ang sinumang mahuhuli na nagbebenta, bumibili o gumagamit ng produktong ito ay mahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165.

Kaugnay nito, ang DDB ay nagpapaalala sa law enforcement agencies na magbantay para sa lihim na pagbebenta ng nabanggit na produkto.

Ang DDB ay umapela sa publiko na maging maingat sa produktong hindi kilala at may unregulated substances na posibleng magdulot ng masama sa kalusugan at may kasong kriminal na kahaharapin sa paggamit at pag-iingat nito.

Ang manufacture, sale, distribution, purchase, possession, o paggamit ng vapor product refill “Gluttony-Mamon” ay nai-report na sa Dangerous Drugs Board, Philippine Drug Enforcement Agency, Philippine National Police at National Bureau of Investigation. (JOEL O. AMONGO)

368

Related posts

Leave a Comment