MILF at MNLF, muling nagkasagupa sa North Cotabato

NANANATILI pa rin sa evacuation center ang ilang pamilya ng Purok Mateo, Bry. Patadon, Matalam, North Cotabato matapos silang maipit sa sagupaan ng Moro Islamic Liberation Front at Moro National Liberation Front sa Brgy Patadon, iniulat kahapon.

Ayon kay MILF commander Fred Matiagal, nilusob sila ng grupo ng MNLF kaya’t napilitan silang gumanti na nagresulta sa halos dalawang oras na palitan ng putok. Wala naman aniyang naitalang sugatan sa panig ng MILF, ayon pa kay Matiagal.

Dagdag pa ng MILF leader. hinahanap umano ng grupo ni Commander Gani Sandang ng MNLF 15th council ang dati nilang mga kasamahan kaya pumasok ang mga ito sa kanilang lugar, bagay na itinanggi ni Matiagal, dahil wala sa kanilang grupo ang mga tauhan ni Sandang.

Ayon pa kay Matiagal, malinaw umanong hindi sumusunod sa kasunduan ang MNLF dahil pumasok ang mga ito sa kanilang lugar na walang pahintulot at koordinasyon mula sa kanilang hanay.

Sa ngayon ay takot pa rin ang mga sibilyan na bumalik sa kanilang mga tahanan dahil baka muling sumiklab ang gulo. (BONG PAULO)

138

Related posts

Leave a Comment