LAHAT NG SEMENTERYO SA VALENZUELA, SARADO SA UNDAS

INANUNSYO ni Valenzuela City Mayor Rex Gatchalian na isasara ang lahat ng pampubliko at pribadong sementeryo sa lungsod simula Oktubre 30 hanggang Nobyembre 3, 2020.

Ayon kay Mayor Rex, ito ay alinsunod sa Executive Order No. 2020-205 bilang bahagi ng pag-iingat sa COVID-19.

Aniya, ang mga nagnanais na gunitain ang Undas, maliban na lang sa mga 20-anyos pababa, ay hinihikayat na gawin ito bago o pagkatapos ng mga nabanggit na petsa.

Dagdag pa ng alkalde, ipinagbabawal din ang pagsasagawa ng mga Halloween activity tulad ng “trick or treat” sa lahat ng lugar kabilang na ang mga parke at mall.

Nauna nang nag-anunsyo si Manila Mayor Isko Moreno na isasara ang lahat ng pampubliko at pribadong mga sementeryo sa sakop ng lungsod ng Manila sa Undas. (FRANCIS SORIANO)

167

Related posts

Leave a Comment