13 PRESONG RAPID TEST POSITIVE, PUMUGA SA CALOOCAN JAIL

TINUTUGIS ng mga pulis ang 13 positibo sa COVID-19 rapid antibody tests, na pumuga mula sa Caloocan City Hall Custodial Facility Unit nitong Miyerkoles ng madaling araw.

Kasalukuyang pinaghahanap ng mga awtoridad sina Martin Mama y Kaber, 46; Gerrymar Petilla y Bajar, 21; Hudson Jeng y Reyes, 42; Aldwin Jhoe Espila y Cruz, 25; Reymark Delos Reyes y Balaga, 27; Norbert Alvarez y Bogarin, 35; Mark Oliver Gamutia y Balarma, 21; Jovel Toledo Jr. y Cabrera, 27; Arnel Buccat y Salangsang, 19; Raymond Balasa y Fernandez, 35; Reynaldo Bantiling y Novejas, 35; Dunacao, Aries, 28; at Tejeros, Justine, 22.

Ayon sa pulisya, 15 ang nagtangkang tumakas ngunit nasakote ang dalawa.

Kinumpirma ng pamunuan ng Caloocan City Police na dumaan sa rapid antibody tests ang mga pugante ngunit kailangan pa ring kumpirmahin kung tinamaan sila ng COVID-19 sa pamamagitan ng real-time reverse transcription polymerase chain reaction (rRT-PCR) test.

Ala-1:00 ng madaling-araw nang tumakas ang mga ito at makikita sa kuha ng closed circuit television (CCTV) camera na animo mga dagang nagsilusot sa butas sa kongkretong dingding ang mga tumakas.

Nakatakdang na sanang ilipat sa Bureau of Jail Management and Penology ang 13 na nakakulong sa nasabing custodial facility, na may mga kasong illegal possession of firearms at mga sangkot sa ilegal na droga. (ALAIN AJERO)

200

Related posts

Leave a Comment