MAHIGIT 80 iba’t ibang klase ng armas ang iprinesenta ng pulisya sa mga mamahayag kaugnay sa Oplan Katok ng San Juan City government.
Matagumpay na nakakumpiska ang 85 iba’t ibang klase ng armas na walang lisensiya, ng mga tauhan ng San Juan City Police kaugnay sa kanilang kampanyang Oplan Katok.
Iprinesenta nina San Juan City Mayor Francis Zamora at Easter Police District Director, P/BGen. Johnson Almazan, ang mga armas na isinurender sa pulisya.
Sa nasabing Oplan Katok, nagbahay-bahay ang mga pulis sa mga may-ari ng baril na hindi lisensiyado, hindi pa nare-renew ang permit o kaya’y nagtatago ng mga armas sa kanilang mga tahanan.
Paliwanag ng alkalde, noong Enero nang simulan nila ang programa na nagresulta sa pagsuko sa kanila ng 9 rifles, 9 shotguns, 19 revolvers, at 48 pistols.
Ang naturang kampanya ng PNP ay bahagi ng peace and order program ng San Juan City government. (KNOTS ALFORTE)
142 