LIVE-IN PARTNERS HULI SA DRUG BUST

INANUNSYO ni Quezon City Police District (QCPD) Director, P/BGen. Ronnie S. Montejo ang pagkakadakip sa mag-live-in partner makaraang makumpiskahan ng umano’y shabu at ecstasy tablets sa buy-bust operation ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Project 4 Police Station (PS-8), sa ilalim ng pamumuno ni P/Lt. Col. Joven Larga, sa isang condo sa Quezon City, nitong Huwebes ng umaga.

Kinilala ni P/BGen. Montejo, ang suspek na sina Celso Luna III, 33-anyos, at Kimberly Aquino, 26-anyos, pawang residente ng Brgy. Bagong Lipunan, Crame, Quezon City.

Ayon sa report, isang confidential informant ang nag-report sa PS-8 kaugnay sa ilegal na aktibidad ng mga suspek kung kaya’t nagsagawa ng buy-bust operation dakong alas-2:00 ng madaling-araw noong Oktubre 22, sa Room 17F, Cluster 5, Greenhills Garden Square Condo, Brgy. Bagong Lipunan, na nagresulta sa pagkakadakip sa mga ito at nakumpiskahan ng P34,000 halaga ng shabu, at 19 tablets ng ecstasy na P32,300 ang halaga.

Samantala, isa pang buy-bust operation ang ikinasa ng PS-8 operatives na nagresulta sa pagkakadakip kina Allan James Mangahas, 41, at Wilson Sy, 49-anyos, dakong alas-8:50 ng gabi noong Oktubre, 21, sa Kaimito Avenue corner Mangosteen Street, Town and Country Executive Village, Brgy. Mayamot, Antipolo City.

Nakumpisksa sa kanila ang limang gramo ng shabu na P34,000 ang halaga. (JOEL O. AMONGO)

226

Related posts

Leave a Comment