BILANG pagtupad sa pangakong patuloy na pagbubutihin ang kanilang serbisyo, inililipat ng Globe ang broadband network nito mula copper sa fiber para sa mas mahusay na data experience.
Sa kasalukuyan ay nailipat na ng Globe ang mahigit sa 40% ng targeted customers nito sa buong bansa sa mas bago at higher speed network nang libre.
Sa paglipat sa fiber, ang Globe broadband customers ay makararanas ng mas mabilis na speed, mas malaking data, at mas matatag na connection upang tugunan ang lumalaking pangangailangan sa online connectivity sa tahanan dahil mas maraming tao ang gumagamit ngayon ng internet para sa trabaho, pag-aaral, entertainment at iba pang mga pangangailangan.
“A good, stable, and reliable internet connection is a critical need under the new normal. To meet our customers’ demands, we upgraded our network with superior technology for a better internet experience. We are rolling out fiber to homes nationwide, and upgrading our customers to fiber connections for free to give them first-world internet connectivity that they deserve,” wika ni Darius Delgado, Globe VP and Head of Broadband Business.
Ang fiber connection ay makapagbibigay ng maximum speed na 1Gbps kumpara sa copper ADSL na nagkakaloob lamang ng maximum speed na 15 Mbps.
Ang mas mataas na bandwidth ay nangangahulugan na maaaring makapag-download o upload ng malalaking files ng mas mabils, makapag-stream ng high-definition videos at webinars, at magpatakbo ng multiple online programs nang sabay-sabay.
‘Di tulad sa traditional copper cables na dumaranas ng malaking data signal loss sa mahahabang distansiya, ang fiber ay nagtatala lamang ng kaunting data signal degradation.
Dahil mas maliit, mas magaan, at nababalutan ng protective coat, mas matibay ito kaysa sa malaking copper na madaling masira kapag ikinakabit.
Resistant din ito sa electromagnetic at radio signal interference.
Ang paglipat sa mga customer sa fiber connection nang libre ay bahagi ng network expansion at upgrade program ng Globe upang mapaghusay ang data at voice experience sa homefront.
172 