IMPLEMENTASYON NG RFID INIURONG

INIURONG ng Department of Transportation (DOTr) ang mandatory implementation ng cashless toll collections sa toll roads sa December 1, 2020.

Sa isang kalatas, sinabi ng DOTr na ang bagong sistema na naunang naka-schedule na ipatutupad sana ngayong Nobyembre 2, ay bilang tugon sa hiling ng maraming motorista na hindi pa nakakabitan ng RFID stickers sa mga sasakyan.

Sinabi ni Toll Regulatory Board Executive Director Abraham Sales na ito ang utos ni Transportation Secretary Arthur Tugade, para mabigyan ng pagkakataon ang mga motorista na magpakabit nito.

Ito ay para maiwasan na rin ang mahahabang pila sa toll booths.

“But, mind you, this will be the last time that we will be extending. No more extension beyond December 1,” sinabi ni Sales.

Sinabi ng TRB, na ang Metro Pacific Tollways Corporation (MPTC) at ang San Miguel Corporation (SMC) ay handa na sa electronic payment systems. (CATHERINE CUETO)

93

Related posts

Leave a Comment