MAGPINSAN HULI SA P.5-M BATO

SWAK sa karsel ang magpinsang umano’y tulak makaraang makumpiskahan ng P.4 milyong halaga ng shabu sa buy-bust operation sa Caloocan City.

Nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang mga suspek na sina Michael Mendoza, 38, at Roberto Mendoza, 58, kapwa ng Waling-Waling St., Brgy. 187, Tala sa nabanggit na lungsod.

Ayon sa pulisya, may nag-tip sa mga awtoridad hinggil sa ilegal na aktibidad ng magpinsan kaya agad naglatag ng buy-bust operation na nagresulta sa pagkakadakip sa mga ito at nakumpiskahan ng 60 gramo ng shabu na tinatayang P408,000 ang halaga sa San Roque Street, Brgy. 187, Tala. (FRANCIS SORIANO)

213

Related posts

Leave a Comment