MURDER SUSPECT SA MANILA TIKLO SA CAVITE

ARESTADO ng mga tauhan ng Manila Police District – Malate Police Station 9 ang isang 35-anyos na suspek sa kasong murder, sa pinagtataguan nito sa Cavite City nitong Huwebes ng madaling araw.

Kinilala ang suspek na si Jefferson Limabaga y Arroyo, jobless, nadakip sa Block 13, Lot 7, Villa Apolonia, Naic, Cavite.

Base sa ulat nina P/Lt. Edwin Mapula ng Station Intelligence Branch, at P/Lt. Roberto Medrano Jr. ng Warrant Section, na isinumite kay P/Lt. Col. Robert Bautista Sales, commander ng MPD-Station 9, bandang alas-3:15 ng madaling araw nang pasukin ng mga awtoridad ang bahay na pinagtataguan ni LimAbaga sa nasabing lugar.

Inaresto ang suspek sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Hon. Rowena Nieves A. Tan, Presiding Judge ng Pasay City Regional Trial Court Branch 118, dahil sa kasong murder noong Nobyembre 12, 2018.

Si Limabaga ay number 2 most wanted person sa buong area ng Malate at walang inirekomendang piyansa para sa kanyang kaso. (RENE CRISOSTOMO)

185

Related posts

Leave a Comment