CAREGIVER LUMIPAD SA CONDO, PATAY

PALAISIPAN sa mga awtoridad kung nahulog o sadyang nagpatihulog sa condominium ang isang 53-anyos na caregiver nitong Miyerkoles sa Tondo, Manila.

Basag ang bungo ng biktimang si Victoria Salandron, caregivert sa Great Link condominium sa #1221 Mayhaligue St., Tondo.

Batay sa ulat ni Det. Arvin Bautista ng Manila Police District-Homicide Section, bandang alas-5:40 ng umaga nang mangyari ang insidente mula sa ika-8 palapag ng nasabing condominium sa nabanggit lugar.

Isang Edison de Los Reyes, 21, ang nagbigay ng salaysat sa pulisya na umano’y natutulog siya sa harap ng gusali nang makarinig nang malakas na kalabog at pagkaraan ay nakitang nakahandusay ang biktima.

Ayon sa imbestigasyon, huling nakitang buhay ang biktima ng kanyang mga kasama sa trabaho bandang alas-8:30 ng gabi noong Martes habang kausap sa cellphone ang kanyang anak na lalaki.

Ayon naman kina Anna Ramirez at Marife Malolloyon, matagal na umanong iniinda ng biktima ang sumasakit na likuran bukod sa iba pa nitong sakit ngunit hindi makapunta sa doktor dahil sa COVID-19.

Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya upang mabatid kung may foul play sa insidente habang habang hinihintay ang resulta ng awtopsiya sa labi ng biktima. (RENE CRISOSTOMO)

198

Related posts

Leave a Comment