WALANG kawala ang dalawang hinihinalaang drug pusher matapos na maaresto sa isinagawang buy-bust operation ng mga awtoridad sa Block 16-69, Ampalaya Street, Brgy. Tumana, Marikina City.
Kinilala ang mga suspek na sina Mabeth Fernandez y Sta. Ana alyas “Fujiko,” 32, at Jovito Jogno y Sevidal alyas “Jojo,” 46-anyos.
Batay sa imbestigasyon ng Marikina PNP, nagsagawa ng buy-bust operation ang mga operatiba ng Marikina City Station Drug Enforcement Unit na nagresulta sa pagkakaaresto sa mga suspek.
Nakuha sa mga suspek ang 20 pirasong plastic sachet hinihinalaang shabu na tumitimbang ng 25 gramo at tinatayang P170,000 ang halaga, drug paraphernalia at buy-bust money.
Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Act of 2002. (KNOTS ALFORTE)
203 