NAGPAABOT ng pakikiramay ang Malakanyang sa Bahrain sa pagpanaw ni Prime Minister Khalifa bin Salman Al Khalifa kamakailan.
“President Duterte conveys deepest sympathies to His Majesty, King Hamad bin Isa Al Khalifa and the members of the Royal Family and the Government of Bahrain in this time of great sadness and grief,” ayon sa pahayag ng Malakanyang.
Sa ulat, pumanaw si Bahrain Prime Minister Khalifa bin Salman Al-Khalifa sa edad na 84.
Itinuturing siyang pinakamatagal na nanilbihang prime minister sa mundo. Una niyang hinawakan ang posisyon noong 1970.
Sa report ng Arab News, Ni-repatriate ang mga labi niya mula sa Mayo Clinic Hospital sa Amerika pero hindi na ito idinetalye pa.
Kasunod noon inanunsyo ni King Hamad bin Isa Al-Khalifa ang “week of mourning” para sa namayapang PM.
Isasara naman ang mga ministry at government department ng tatlong linggo. (CHRISTIAN DALE)
224 