Panawagan ng EcoWaste ORDINANSA VS PAPUTOK, KAGYAT NA IPASA

ILANG linggo bago ang pagdiriwang sa pagdating ng 2021, nanawagan ang EcoWaste Coalition sa mga mambabatas at sa mga pamahalaang lokal na kumilos ang mga ito laban sa paputok.

“[W]e urge our city and municipal officials to quickly enact ordinances that will prohibit the use of firecrackers, fireworks and other pyrotechnic devices in celebrating the New Year,” pahayag ni Thony Dizon, EcoWaste chemical safety campaigner.

Ang panawagan ng EcoWaste ay konektado sa kaligtasan ng mamamayan.

Kahit nananatili ang pangamba na epekto ng COVID-19 sa mga tao, inaasahang marami pa ring magpapaputok bilang pagpapaalam sa 2020 at pagsalubong sa 2021.

Ang pagpuputok ay tradisyon at bahagi na ng kultura ng mga Filipino simula noong kolonya pa ng Kastila ang Pilipinas mula Ika-16 hanggang Ika-19 na Siglo.

Inilinaw ni Dizon na: “The adoption and implementation of such ordinances, we believe, will prevent a repeat of the bloody and dirty tradition of heralding the New Year with explosives and noxious fumes”.

Idiniin nito na panahon na para magkaroon ng mga lokal na batas na magtitiyak na bawal na ang magpaputok upang wala nang masugatan nang matindi tuwing pagdiriwang ng bagong taon.

Sa mga nakalipas na taon, palaging mayroong napuputukan ng kamay at daliri sa nasabing pagdiriwang.

Batay sa datos ng Department of Health (DOH) at Philippine National Police (PNP), karamihan sa mga biktima ay pawag mga bata na hindi pinakikinggan at sinusunod ang mga paalala ng pamahaaan at kanilang mga magulang laban sa pagpapaputok. (NELSON S. BADILLA)

 

173

Related posts

Leave a Comment