BUKAS ang pamahalaan sa posibilidad na umangkat ng mga lokal na produkto upang masolusyunan ang patuloy na pagtaas ng presyo ng mga bilihin.
SINABI ng Malakanyang na ang 3.3% inflation rate para sa buwan ng Nobyembre ay pasok sa naging pagtaya ng gobyerno na “2 to 4 % inflation rate.”
Sinabi ni Presidential spokesperson Harry Roque, nakalulungkot man, subalit ito aniya’y resulta ng sakuna o mga pangyayari na wala na sa kontrol ng sinoman.
Kagaya aniya ng sunud-sunod na mga bagyo na sumalanta sa mga pananim, na siyang dahilan ng pagsirit ng presyo ng mga bilihin sa bansa lalo na sa pagkain at transportasyon.
Ngunit, wala aniyang dapat na ikabahala dahil kung kinakailangan talagang mag-angkat para pababain ang presyo ng pagkain, ay gagawin aniya ito ng gobyerno.
Samantala, sinabi ni Sec. Roque, na sa kasalukuyan ay binabalanse pa ng pamahalaan ang mga planong ito dahil hindi naman maaari na masyadong mababa ang presyo ng mga aangkating local
products na magreresulta sa pagkalugi ng mga magsasaka. (CHRISTIAN DALE)
