Sa pagdiriwang ng holiday season PAPUTOK, KUMPULAN BAWAL SA NAVOTAS

NAGPALABAS ng kauutusan ang pamahalaang lungsod ng Navotas hinggil sa pagbabawal ng paputok, fireworks o anumang uri ng aparato o materyales na gawa sa paputok.

Nakasaad sa Executive Order No. TMT-060 na bukod sa pag-iwas na masugatan o mapinsala, mapipigilan din ng pagbabawal ng paputok ang pagkukumpulan ng mga mamamayan dahil sa fireworks display.

“Lumalabas ang mga tao sa kalsada para magsindi ng paputok o manood ng fireworks display. Gayunpaman, dahil sa pandemya, dapat nating iwasan ang anumang pagtitipon-tipon,” ani Mayor Toby Tiangco.

“Nais nating ipagdiwang ng mga Navoteño ang Pasko sa kaligtasan ng kanilang mga tahanan. Tumataas ang mga kaso ng COVID-19. Dapat tayong magpatupad ng karagdagang mga hakbang pangkaligtasan para maiwasan ang lalo pang pagkalat ng virus,” dagdag ng alkalde.

Ang EO TMT-060 ay alinsunod sa Regional Peace and Order Council Resolution No. 19-2020. (ALAIN AJERO)

248

Related posts

Leave a Comment