2 COVID PATIENTS SA MALABON NAMATAY

DALAWANG COVID-19 patients ang namatay sa Malabon City noong Disyembre 21.

Hindi na umabot ng Pasko ang dalawang tinamaan ng COVID na mula sa Barangay Ibaba (1) at Tinajeros (1) habang umabot na sa 228 ang pandemic fatalities sa siyudad.

Ayon sa City Health Department, anim ang nadagdag na confirmed cases sa nasabing araw at sa kabuuan ay 6,032 ang positive cases sa lungsod, 46 dito ang active cases.

Ang mga bagong kaso ay naitala sa Barangay Dampalit (2), Flores (1), Potrero (1), Tinajeros (1) at Tonsuya (1).

Samantala, 33 pasyente ang nadagdag sa bilang ng mga gumaling. Sila ay mula sa Barangays Catmon (6), Hulong Duhat (3), Potrero (18), San Agustin (3), Santulan (2) at Tonsuya (1).

Nabawasan ang datos ng Barangay Tañong dahil muling sumailalim sa swab test ang isang pasyente. Sa kabuuan ay 5,758 na ang recovered patients sa lungsod. (ALAIN AJERO)

123

Related posts

Leave a Comment