P100K REWARD INILATAG VS SUSPECTS

MARIING kinondena ng mga kinatawan ng ACT-CIS Party-list sa Mababang Kapulungan ng Kongreso, ang panggagahasa at pagpatay sa flight stewardess na si Dacera sa Makati City noong Bagong Taon.

“Hustisya para kay Christine Angelica Dacera! Mariin nating kinokondena ang walang awa at walang konsensyang krimen na ito,” ani Rep. Eric Yap kasabay ng pag-alok ng P100,000 para sa sinumang makapagtuturo sa kinaroroonan ng mga suspek.

Base sa mga report, 11 lalaki umano ang kasama ni Dacera sa isang hotel room sa Makati City habang sinasalubong ang Bagong Taon kung saan tatlo lamang sa mga ito ay kanyang personal na kakilala.

Nahuli na ang tatlo sa mga ito na kinabibilangan nina John Pascual Dela Serna III, 27; Rommel Daluro Galido, 29, at John Paul Reyes Halili, 25.

Sa post ni Yap, kabilang sa mga pinaghahanap ng pulisya sina Gregorio Angelo De Guzman, Louie de Lima, Clark Jezreel Rapinan, Rey Englis, Mark Anthony Rosales, Jammyr Cunanan, Valentine Rosales, isang Ed Madrid at isa pang nagngangalang Paul. (BERNARD TAGUINOD)

147

Related posts

Leave a Comment