JUNE 24: SPECIAL NON-WORKING DAY SA MAYNILA AT LIAN, BATANGAS

IDINEKLARA ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang June 24, 2026, bilang special non-working day sa Lungsd ng Maynila para sa pagdiriwang ng 455th Founding Anniversary nito.

Sa ilalim ng Proclamation No. 1320, sinabi ng Pangulo na “it is but fitting and proper for the people of the City of Manila be given full opportunity to participate in the occasion and enjoy the celebration.”

Tinintahan ni Acting Executive Secretary Ralph Recto ang proklamasyon na may ahintulot ng Pangulo nto lamang Hunyo 16.

Samantala, idineklara naman ni Pangulong Marcos ang June 24 bilang special non-working day sa Munisipalidad ng Lian, Batangas, sa pamamagitan ng Proclamation No. 1321 sa pagdiriwang ng Sambuhos Festival, isang tradisyonal na water-dousing festival bilang pagkilala sa patron saint ng bayan na si Saint John the Baptist.

Ang pangalan ng kapistahan ay nagmula sa mga salitang filipino na isa at buhos, tinutukoy ang tradisyon ng pagbabasa o paghuhugas ng tubig sa mga residente at mga bisita.

Ang asanayan ay sumisimbolo sa biblical baptism na ginawa ni Saint John the Baptist sa Jordan River.

(CHRISTIAN DALE)

61

Related posts

Leave a Comment