TINABLA ng Malakanyang ang hirit ng mga taga-Quiapo Church na gawing 50 porsyento ang capacity na papayagang makapasok sa nasabing simbahan para i-accomodate lahat ng deboto na makikiisa sa pista ng Itim na Nazareno.
Giit ni Presidential spokesperson Harry Roque ay hanggang 30% lang ang puwede sa religious services.
“So, hindi po iyan nababago pa. Hanggang mabago po iyan, eh kinakailangan sundin po natin iyang 30% capacity,” diing pahayag ni Sec. Roque.
Dahil sa pandemiya na bitbit ng COVID-19 ay masasabing ito ang pinakaunang pagkakataon sa loob ng mahabang panahon na wala muna ang taunang prusisyon sa imahe ng Itim na Nazareno o
kilala rin bilang Traslacion bilang pag-iwas sa posibilidad na sumirit pa ang kaso ng coronavirus disease dahil milyon-milyong tao ang inaasahan na dadalo rito.
Dahil dito ay magsasagawa na lamang ng misa ang Quiapo Church sa Enero 9 bilang paggunita sa Itim na Nazareno.
Tinatayang, may 15 misa ang gagawin upang maiwasan ang pagbuhos ng mga deboto sa naturang simbahan. (CHRISTIAN DALE)
213
