LENDER ITINUMBA NG TANDEM

PATAY ang isang lender matapos pagbabarilin ng hindi kilalang riding in tandem at tinangay ang bag ng biktima na naglalaman ng hindi pa mabatid na halaga ng pera, sa Malabon City noong Martes.

Kaagad nalagutan ng hininga sanhi ng mga tama ng bala sa ulo at katawan ang biktimang si Rodolfo Carpentero, 46, ng #28 Kaunlaran St. Brgy. Muzon.

Ayon saa imbestigasyon nina P/SSgt. Jose Romeo Germinal at P/Cpl. Michael Oben, dakong alas-4:40 ng hapon, nakatayo ang biktima sa gilid ng kanyang electric bike sa kanto ng Kaunlaran at Kagitingan streets sa Brgy. Muzon nang lapitan ito ng suspek at pinagbabaril saka kinuha ang sling bag na naglalaman ng pera. (FRANCIS SORIANO)

144

Related posts

Leave a Comment