BAGITONG KAWATAN, SUKOL SA TAUMBAYAN

SA karsel humantong ang kawalan ng karanasan ng isang 28-anyos na umano’y kawatan nang magnakaw ng bisikleta at nasukol nang mataranta noong Huwebes ng gabi sa Malabon City.

Ayon sa ulat, nakaparada sa harap ng pizza house sa #249 Gen. Luna St., Brgy. Concepcion ang bisikleta ni Daryl Israel, 43, dakong alas-6:35 ng gabi.

Walang ano-ano ay isang lalaki ang nangahas na tangayin ito sa harap ng nakamasid na si Israel.

Nagsisigaw ang biktima at napukaw ang atensyon ng mga istambay.

Bunsod ng pagkataranta, sa halip na sakyan at ipidal ang bisikleta para mas madaling makatakas ay iniwanan ito ng suspek na si Wilfredo Arias.

Kumaripas patungo sa C. Arellano St. ang suspek at dito siya nasukol ng tumugis na mga bystander at tanod at ipinahuli ito sa mga pulis. (ALAIN AJERO)

 

181

Related posts

Leave a Comment