35 ALIEN SEX OFFENDERS BAN SA PINAS

PINAGBAWALAN ng Bureau of Immigration (BI) na makapasok sa Pilipinas ang 35 foreign nationals na umano’y registered sex offenders (RSOs) sa kani-kanilang bansa.

Ayon kay BI Commissioner Jaime Morente, dahil sa travel restrictions, ang bilang ng mga dayuhang RSOs na nahuli noong nakaraang taon ay bumababa sa 160 sex offenders at hindi pinapasok noong 2019.

“When encountered by our officers at the ports these sex offenders are immediately turned back and booked on the first available flight to their port of origin,” ani Morente.

Idinagdag pa niya, sa ilalim ng Philippine Immigration Act, ang mga dayuhan na convicted sa krimen na may kinalaman sa ‘moral turpitude’ ay hindi kabilang sa mga papapasukin sa port of entry ng alin mang bansa.

Ang tinutukoy na RSO ay ang mga dayuhang na dati nang nasentensiyahan sa sex crimes sa kanilang bansa at nakapagsilbi na ng sentensiya o nakalabas dahil sa parole o probation.

Karamihan sa convicted pedophiles ay nakasuhan at napatunayang nagkasala sa pangmomolestiya ng mga menor de edad

Sa United States at iba pang Western countries, ang gobyerno ay nagmamantina ng sex offenders registry at pinapayagan ang mga awtoridad na mabantayan ang aktibidad at galaw ng kanilang RSOs.

“We will continue to ban the entry of these sex offenders into the Philippines as they pose a serious threat to the well-being of Filipino women and children,” pahayag pa ni Morente. (JOEL O. AMONGO)

218

Related posts

Leave a Comment