CAVITE – Muntik nang matangayan ng P27,000 cash ang isang pawnshop sa Kawit makaraang may magsangla ng pekeng singsing at hikaw.
Bago pa man nakalayo, nahabol ang suspek na si Rosalindo Lojo, nasa hustong edad, ng mga empleyado ng GRJ-Jaro Pawnshop sa Brgy. Tramo, Kawit, Cavite.
Ayon sa ulat ni P/MSgt. Erwin Clerigo ng Kawit Municipal Police, dakong alas-4:30 ng hapon noong Martes nang magsanla ang suspek ng isang set ng gintong hikaw at dalawang pirasong singsing sa halagang P27,000.
Nang matanggap ang pera ay agad na umalis ang suspek ngunit napansin ng empleyado ng pawnshop na si Stephanie Therese Padilla, na peke ang mga alahas.
Bunsod nito, hinabol ng mga empleyado ng pawnshop ang suspek at dinala sa himpilan ng pulisya. (SIGFRED ADSUARA)
160 