GUN FOR HIRE LEADER, UTAS SA BUY-BUST

BULACAN – Isang lalaking itinuturong lider ng gun for hire group at sangkot din sa illegal drugs at gunrunning activities, ang napatay makaraang manlaban sa pinagsanib na mga operatiba ng Bulacan Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) at Pandi Police sa buy-bust operation sa nabanggit na bayan sa lalawigang ito, noong Huwebes.

Base sa report ni P/Lt. Col. Luke P. Ventura, hepe ng Bulacan CIDG, kinilala ang napatay na suspek na si Rey De Luna, inginusong lider ng gun for hire group at sangkot din sa iba pang ilegal na gawain tulad ng illegal drugs at gunrunning.

Nabatid na nakatanggap ng impormayon ang mga awtoridad hinggil sa illegal activities ng suspek na si De Luna na umano’y lider ng sindikato, kaya agad itong isinailalim sa buy-bust operation on illegal firearms, ng pinagsanib na mga operatiba ng Bulacan CIDG at Pandi Police.

Sa kalagitnaan ng transakyon, nakatunog ang suspek na police operatives ang katransaksyon kaya bumunot ng baril at nakipagpalitan ng putok na ikinamatay nito.

Nakuha ng mga awtoridad mula sa suspek ang dalawang caliber .38 revolver, walong bala at buy-bust money.

Patuloy pang inaalam ng mga awtoridad ang pagkakakilanlan ng mga kasamahan sa sindikatong pinamumunuan nito. (GINA BORLONGAN)

404

Related posts

Leave a Comment