TANDEM TIKLO SA SHABU

ARESTADO sa Maritime Police ang dalawang lalaking magka-angkas sa motorsiklo nang mahulihan ng shabu matapos sitahin dahil sa hindi pagsusuot ng helmet noong Lunes ng gabi sa Navotas City.

Swak sa hoyo sina Francis Valiente, 27, mensahero, ng St. James, Sisa Exit, Tinajeros, Malabon City; at Jhon Mark Durana, 23-anyos.

Alas-6:00 ng gabi, nagsagawa ng Oplan Sita ang mga parak sa harap ng Boss Ben, Market 1 Gate sa Bulungan St., Navotas Fish Port Complex, Brgy. North Bay Boulevard North.

Hinanapan ng mga pulis si Valiente ng driver’s license at iba pang kaukulang papeles at nang buksan ang compartment ng motorsiklo ay nakita nila na tinakpan ng back rider na si Durana, 23, ang isang stainless na Swiss knife.

Bunsod nito, minanduhan ng mga pulis ang dalawa na ilabas ang laman ng kanilang bulsa at ipinataas din ang mga damit kaya nadiskubre sa kanilang baywang ang tig-isang plastic sachet ng hinihinalang shabu kaya’t binitbit ang mga ito sa presinto. (ALAIN AJERO)

161

Related posts

Leave a Comment