2 TIRADOR NG MOTOR, BULAGTA SA PULIS

PATAY sa mga tauhan ng District Anti-Carnapping Unit (DACU) ng Quezon City Police District (QCPD) ang dalawang umano’y tirador ng motorsiklo, makaraang makipalitan ng putok sa mga awtoridad sa Quezon City nitong Biyernes ng umaga.

Ayon kay QCPD Director, P/Brigadier General Danilo P. Macerin, ang dalawang suspek na hindi pa nakukuha ang pagkakakilanlan ay napatay dakong alas-1:20 ng umaga nitong Biyernes sa Payatas Road, Group 5, Payatas B, Brgy. Payatas, Quezon City.

Bago ang insidente, isang Emmanuel Montefalcon ang nag-report sa Holy Spirit Police Station (PS-14), sa ilalim ng pamumuno ni P/Lt. Col. Jeffrey Bilaro, na ang kanyang minamanehong motorsiklo at iba pang personal belongings ay pwersahang inagaw ng dalawang hindi kilalang kalalakihan dakong alas-12:30 ng madaling-araw noong Pebrero 19 sa panulukan ng Luzon Avenue at Congressional Avenue.

Agad namang nagkasa ang mga awtoridad ng operasyon, sa pamamagitan ng Global Positioning System (GPS) ng cellphone, upang mabatid ang kinaroroonan ng kinarnap na motorsiklo.

Mabilis din silang nakipag-ugnayan sa DACU personnel at nang matunton ang lokasyon ay nagsagawa ng Oplan Sita.

Kasunod nito, pinahinto ng DACU operatives isang riding in tandem na sakay ng Yamaha NMAX (MV file No. 1801-0075894) para sa beripikasyon ngunit naglabas umano ng baril ang mga suspek at nakipagpalitan ng putok sa mga pulis na ikinamatay ng mga ito. (JOEL O. AMONGO)

108

Related posts

Leave a Comment