BATANGAS – Patay ang ang isang truck driver habang sugatan ang kasamang negosyante makaraang pagbabarilin ng riding in tandem habang sakay ng truck sa bayan ng San Jose sa lalawigang ito, nitong Huwebes ng madaling araw.
Kinilala ng San Jose Police ang biktimang si Virgilio Monforte Noel Jr., 40-anyos, idineklarang dead on the spot.
Isinugod naman sa ospital ang kasama nitong negosyante ng itlog na si Milo Guce Raz, 53, tinamaan sa katawan ng mga bala ng .45 kalibreng baril.
Batay sa report ng San Jose sa Police, sakay ang dalawa sa truck galing sa barangay road at magde-deliver ng mga itlog ngunit pagsapit sa bukana ng national highway ay pinagbabaril ang mga ito ng backrider ng motorsiklong biglang humarang sa kanilang unahan.
Agad ding tumakas ang mga suspek matapos ang pamamaril.
Ayon sa pulisya, posibleng ang negosyante ang target ng mga suspek ngunit nadamay ang driver.
Patuloy ang imbestigasyon sa pangyayari at inaalam ang motibo sa krimen. (NILOU DEL CARMEN)
139
