ARESTADO sa mga operatiba ng Novaliches Police Station (PS-4), sa pamumuno ni P/Lt. Col. Richard Ian Ang, sa ilalim ng Quezon City Police District (QCPD), ang tinaguriang station level no. 1 most wanted person, sa San Ildefonso, Bulacan nitong Lunes.
Kinilala ni QCPD Director, P/BGen, Danilo Macerin, ang suspek na si Gilbert Veneranda, 53-anyos, tubong Masbate, at residente sa #6 Baco St., Amparo Subdivision, Brgy. Nagkaisang Nayon, Novaliches, Quezon City.
Si Veneranda ay naaresto dakong alas-9:40 ng umaga sa nasabing petsa sa Andrew St., Borja Subdivision, San Ildefonso, Bulacan.
Ang suspek ay nakalista bilang no. 1 most wanted person ng PS-4 dahil sa kasong rape.
Samantala, nadakip din ng mga tauhan ng Project 6 Police Station (PS-15) sa ilalim ng pamumuno ni P/Lt. Col. Hendrix Mangaldan, sa bisa ng warrant of arrest, si Rosalinda Jose, 49, residente ng # 60 Davao St., Brgy. Alicia, Quezon City, dahil sa kasong paglabag sa BP 22 (bouncing checks). (JOEL O. AMONGO)
148
