Sa pamamagitan ng Electronic Tracking of Containerized Cargoes (E-TRACC) system ng Bureau of Customs (BOC), inaasahan na ngayon ang pagbibigay ng mahusay na serbisyo upang mabilis na matuklasan at mapigilan ang mga ilegal na aktibidad sa Customs Bonded Warehouses, freeport, economic zones, containers for export at shipments ng mga karne, fisheries, at agricultural products.
Nagsimula ang paggulong ng E-TRACC noon pang Hunyo 2020 sa ilang mga piling BOC ports sa buong bansa para masubaybayan, ma-monitor, at ma-audit ang galaw ng containerized cargoes na pumapasok at lumalabas sa buong bansa.
Ayon sa BOC, ito ay epektibong sandata para pigilan ang maling paghahatid ng containers at cargos bukod pa sa mapipigilan nito ang mga usapin sa pagkawala nito pati na ang mga nagaganap na hindi awtorisadong paglihis ng delivery at misdelivery.
Sa kasalukuyan, ang system ay nakapagtala na ng bilang ng paglabag gaya ng 699 Corridor Alerts o deviation from registered routes, 32 Security Alerts, 18 Unauthorized Departures, at 84
Unauthorized End Trips.
Ang mga ito ay may nakatakdang kaparusahan batay sa umiiral na batas na may kaugnayan sa Bureau of Customs (BOC).
Ang ETRACC ay isa sa automation projects na bahagi ng Bureau’s 10-Point Priority Program na naging epektibo sa usapin ng kalakalan at pagpapadali sa pagnenegosyo sa bansa.
Sa pamamagitan din ng E-TRACC, nababawasan ang dati-rati at mga lumang kalakaran na pinagmumulan lang ng katiwalian bukod pa sa mahaba at masalimuot na burukrasya sa BOC.
Sa kasalukuyan, ang ETRACC ay umiiral na sa Port of Manila, Manila International Container Port, Port of Batangas, Port of Subic, Port of Cebu, Port of Davao, at Port of Cagayan De Oro.
311 