BOC PUMASOK SA PAPERLESS TRADE AGREEMENT

Pinagtibay na ng bansa ang Framework Agreement on Facilitation of Cross-border Paperless Trade sa Asia and the Pacific noong nakaraang Pebrero 20, 2021 para sa lalo pang pagpapaganda ng pamamalakad sa Bureau of Customs (BOC).

Noon pang 2016 nalikha ang naturang Framework Agreement sa pamamagitan ng pagpapatibay ng mga bansang kasapi sa United Nations Economic and Social Commission for Asia and the Pacific (ESCAP)

Layunin nito na mapabilis ang ‘trade digitalization at ang  tinatawag na electronic exchange of trade-related information across borders’.

Ang naturang kasunduan ay makakatulong upang mapagbuti pa ang kooperasyon ng mga bansa na lumahok sa kasunduan lalo pa’t hangarin nila na mapataas pa ang antas ng kanilang pag-unlad.

Batay sa Regional Trade facilitation report ng ADB at UNESCAP, ang Framework Agreement na nabanggit ay makatutulong daw upang mabawasan ang gastusin sa pagnenegosyo ng mahigit sa 20% sa pinaka-developing countries sa rehiyon.

Kabilang sa limang mga bansa na naratipikahan na ang  kasunduan ay kinabibilangan ng Azerbaijan, Bangladesh, China, ang Islamic Republic of Iran at ang Pilipinas.

Ang nabanggit na mga bansa ay nagbigay ng pangako  na paiigtingin pa ang kooperasyon upang makatulong din sa iba pa na nasa tinatawag na kritikal area  tulad ng Armenia at Cambodia.

Ang Pilipinas ay inaasahang magbebenepisyo mula sa nabanggiit na Framework Agreement upang mapaunlad pa  ang national at cross-border activities gaya ng ­pakikipagpalitan ng electronic

data at mga dokumento sa pagtupad ng pangakong ginawa sa pamamagitan ng bilateral at plurilateral trade agreements.

Ang nasabi ring Framework Agreement ay nakakapagbigay sa Pilipinas ng opurtunidad na makapagtaguyod at pagkilos ng cross-border paperless trade solutions na pinagtibay bilang parte ng

ASW implementation sa pakikipagpalitan ng electronic data sa non-ASEAN trade partners.

Maging bago pa man ang krisis, ang BOC ay naging prayoridad ang implementasyon ng automation projects sa customs operations at mga proseso at karagdagan ng kalakalan na mabawasan ang physical interaction.

Sa pamamagitan ng framework agreement, ang paperless trade ay nagbibigay ng ‘seamless, inclusive and resilient trade connectivity’ para sa Asia at ang Pacific, sa ganyan nakakapag-ambag para sa ikabubuti ng ekonomiya.(Jo Calim)

201

Related posts

Leave a Comment