LOCKDOWN SA WEST KAMIAS, QC PINALAWAK

NAGPATUPAD ng expanded lockdown ang Quezon City government sa Barangay West Kamias para isama ang karagdagang 12 pamilya sa lugar.

Noong Marso 3, ang No. 46, K-9th St. sa Barangay West Kamias ay inilagay sa city’s special concern lockdown (SCL) matapos malaman na may tatlong coronavirus cases sa populasyon ng 60 individuals.

Ang compound na may 27 pamilya ng mga nangungupahan at informal settlers ang natukoy na hotspot. Umabot sa 72 individuals mula sa nasabing lugar ang isinailalim sa RT-PCR test. Sa bilang na ito ay 28 ang kumpirmadong dinapuan ng nasabing sakit.

Kaugnay nito, ang Quezon City Epidemiology and Disease Surveillance Unit (CESU) ay pinalawak ang granular lockdown para isama ang No. 47-50 ng K-9th Street kung saan ay may karagdagang 12 pamilya na binubuo ng 38 individuals ang nakatira.

Ang Quezon City Epidemiology and Disease Surveillance Unit ay nagpatupad ng special concern lockdowns sa compounds, streets, o alleys na may clustering at high-risk community transmission na naobserbahan para maiwasan ang pagkalat ng virus.

Ang lugar ay isinailalim sa lockdown para sa minimum na 14-araw at maaari pang palawakin depende sa bilang ng mga kaso.

“With the alarming surge in numbers the past few days, it is imperative to place areas with clustered cases under lockdown to control the possibility of widespread transmission in our barangays,” ani CESU head, Dr. Rolly Cruz.

Samantala, ipinag-utos naman ni Mayor Joy Belmonte sa Quezon City Police District (QCPD), barangays at iba pang concerned city offices, ang mahigpit na pagpapatupad ng mga ordinansa sa layuning mapigilan ang pagkalat ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa gitna ng pagsipa ng bilang ng mga kaso sa nakaraang mga araw. (JOEL O. AMONGO)

 

152

Related posts

Leave a Comment