15 DAGDAG SA COVID DEATHS SA CAMANAVA

MULING nakapagtala ng 15 patay sa COVID-19 ang Caloocan, Malabon, Navotas, Valenzuela (CAMANAVA) area noong Marso 20, habang lumobo sa 3,198 ang active cases at umakyat sa 1,328 ang pandemic fatalities.

Sa Caloocan, 10 ang naitalang patay dahil sa pandemya sa nasabing petsa, at pinakamarami ang active cases sa bilang na 1,068.

Umabot na sa 16,257 ang tinamaan ng COVID-19 sa lungsod, kung saan 14,665 na ang gumaling at 524 ang namatay.

Dalawa naman ang patay sa Malabon City, 79 ang nadagdag na confirmed cases, at sa kabuuan ay 8,114 na ang positive cases sa siyudad, 691 dito ang active cases.

Habang 26 pasyente ang nadagdag sa bilang ng mga gumaling. Sa kabuuan ay nasa 7,135 ang recovered patients ng siyudad at 288 ang COVID-19 casualties.

Dalawa rin ang namatay dahil sa COVID-19 sa Navotas at 723 na ang active cases matapos na 99 ang magpositibo at 58 lang ang gumaling.

Umabot na sa 7,105 ang nagpositibo sa COVID-19 sa lungsod. Sa bilang na ito ay 6,164 na ang nakarekober at 218 ang namatay.

Isang COVID-19 patient naman ang namatay sa Valenzuela City at umakyat sa 716 ang active cases matapos na 89 ang magpositibo at 77 lamang ang gumaling.

Umakyat na sa 11,491 ang confirmed cases sa lungsod, sa bilang na ito ay 10,477 na ang gumaling at 298 ang namatay. (ALAIN AJERO)

766

Related posts

Leave a Comment