10 DAGDAG SA COVID DEATHS SA CALOOCAN, MALABON

SAMPU ang naitalang bagong namatay sa COVID-19 sa mga lungsod ng Malabon at Caloocan noong Marso 26 at umabot na sa 2,321 ang active cases sa dalawang lungsod.

Napag-alaman, apat ang patay sa pandemya sa Caloocan at umabot na sa 1,207 ang active cases.

Umakyat naman sa 17, 123 ang total confirmed cases habang 15,382 na ang gumaling at 534 ang death toll sa lungsod.

Sa kabilang dako, anim ang nadagdag sa COVID death toll ng Malabon City na sa kasalukuyan ay 306 na.

Bukod dito, ayon sa City Health Department, 121 ang nadagdag na confirmed cases noong Marso 26 at sa kabuuan ay 8,961 na ang positive cases sa Malabon, 1,114 dito ang active cases.

Ang mga bagong kaso ay mula sa Barangays Acacia (1), Baritan (5), Dampalit (7), Ibaba (5), Longos (28), Maysilo (7), Panghulo (7), Potrero (8), San Agustin (3), Tinajeros (8), Tonsuya (22), Tugatog (19), at sa labas ng Malabon ay isa.

Samantala, 86 pasyente ang nadagdag sa bilang ng mga gumaling sa lungsod.

Habang isinusulat ito ay wala pang inilalabas na update ng COVID-19 cases ang mga lungsod Navotas at Valenzuela. (ALAIN AJERO)

178

Related posts

Leave a Comment