Mula March 29 hanggang April 4 NCR PLUS ISASAILALIM SA ECQ

IBABALIK sa mahigpit na quarantine protocol ang National Capital Region (NCR) at mga kalapit nitong lugar mula ngayong hatinggabi ng Linggo hanggang sa susunod na Linggo, April 4.

Ang tinaguriang NCR Plus bubble ay isasailalim sa ECQ dahil sa patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID-19, ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque sa live briefing ngayong araw.

Nauna rito, hiniling ng UP OCTA research group na palawakin pa ng pamahalaan ang umiiral na NCR Plus bubble sa mga lugar ng Metro Manila, Bulacan, Cavite, Laguna, at Rizal.

Ayon kay OCTA Research fellow Dr. Guido David, nangangamba sila na umakyat pa sa record high na 13,000 kada araw ang maitatalang mga bagong kaso ng virus sa bansa pagsapit ng Abril.

Naniniwala ang grupo na kailangang magkaroon ng extension ng implementasyon ng NCR Plus bubble na magtatapos sa April 4 para umano mabaligtad ang ganitong mga trend.

Kamakalawa ay halos 10,000 ang mga naitalang bagong kaso ng infections sa bansa na maituturing na all time high.

Muli ring nagpaabot ng pangamba si Dr. David na kung hindi mapipigilan ang bilis ng paglobo ng mga pasyente ay magiging problema ang pagkapuno ng mga ospital.

Maaari lamang umano itong mapigilan kung paiiralin ang mas istriktong lockdown. (CHRISTIAN DALE)

259

Related posts

Leave a Comment