NGAYONG nagpakita na sa publiko si Pangulong Mayor Rodrigo Duterte, ano naman kaya ang kasunod na sigaw ng mga kritiko? Siguro yung patungkol naman sa kaniyang kalusugan?
Nakakatuwa o nakakaasar talaga ang mga taong uhaw sa kapangyarihan ano??
Noong di nagpapakita si Pangulong Mayor Duterte, ang kanilang ipinagkakalat ay mayroon daw itong malubhang karamdaman kaya daw hindi nagsasalita o nagpapakita sa publiko, mayroon pa ngang “hashtag” na nasaan ang pangulo eh.
Ngayong nagpakita na ang Pangulo iba na naman ang sinasabi nila. Kailangan daw na isapubliko ni Tatay Digong ang tunay na kalagayan ng kanyang kalusugan.
Kesyo nagpa-survey pa nga sila at karamihan daw sa mga respondent sa kanilang binayarang survey ay nagsabi na kailangang isapubliko ng Pangulo ang tunay na estado ng kanyang kalusugan.
Parang paulit-ulit nang panawagang yan ah? Di ba pinahiya na nga kayo ng Supreme Court sa mga haka-haka ninyo.
Natatandaan ko, gumamit pa kayo ng ibang tao upang maghain ng petition sa Supreme Court (SC) na humihiling na atasan nito ang Pangulo na magpakita ng health certificate na magpapatunay na wala itong malubhang karamdaman.
Atat na atat na ba talaga kayong makaupo at makapwesto sa Malakanyang? Lalo na ang kuwestyunable ninyong Ikalawang Pangulo?
Nakakadismaya talaga itong mga pulitikong uhaw na uhaw sa kapangyarihan. Kahit ano gagawin upang siraan lang ang taong nakikita nilang hadlang sa kanilang mga planong bulok.
Kahit kailan ang pulitika sa Pilipinas ay talagang sukdulan ang “kabulukan” basta makaupo lang sa kapangyarihan.
Sa mga taong gusto ng patalsikin ang Pangulong Digong, baka naman puwedeng isantabi na muna ninyo yung pagka atat ninyo at hintayin nyo na lang ang 2022.
Pupuwede bang gumawa na lang kayo ng solusyon upang makatulong sa pagsugpo sa nakakamatay na COVID-19 at hindi yung para kayong mga lobong nakamasid at uhaw sa dugo at laman ng inyong sisibain?
Hindi po ba ninyo nakikita na halos isang milyon na ang kaso ng nahahawaan ng nakakamatay na sakit pero ang inaatupag ninyo ay ang bantayan kung ano ang kalagayan ng Pangulo?
Kung sabagay mayroon nga diyan na panay ang palutang na kaniyang isinusulong diumano’y maka-masang batas para lamang patunayan na ang kanyang adbokasiya ay para sa bayan. Ewan ko lang, kasi ako di ako naniniwala sa taong yan!.
Ang di ko lang lubos maisip sa mga taong yan kung sila ba ay tunay na makabayan o makabayad? O kaya’y impluwensyado lang ng komunista o terorista?
Ang mga yan ay walang kasiyahan sa kahit anong administrasyon basta’t sila ay nasa panig lagi ng oposisyon, may tawag sa mga taong yan eh, OPORTUNISTA BA?!
Kaya sa ating mga KA-SAKSI bantayan natin ang mga yan baka makaupo pa! Kasi baka naman walang aatupagin ang mga yan kundi ang alam nyo na?!..busog na naman ang kanilang pamingalan.
