PANDEMYA SA PINAS MAGTATAGAL

MATAGAL pa ang laban ng Pilipinas kontra coronavirus pandemic dahil sa patuloy na pagsirit ng bilang ng kaso nito sa bansa.

Sa kanyang Talk To The People, pinaalalahanan ng pangulo ang publiko na ang buong mundo ay nahaharap sa hindi nakikitang kalaban kaya’t ang laban sa virus ay hindi pa magtatapos “anytime soon.”

“You know we are facing an enemy that cannot be seen. We are facing an opponent where there is no sight at end,” ayon sa pangulo.

“We are facing a turmoil not only in the Philippines but in the entire world. Kagaya ng mga Brazil, thickly populated areas, they are scared of the third wave,” dagdag na pahayag nito.

Sa kabilang dako, binigyang din naman ng pangulo na hindi nagkulang ang pamahalaan na tugunan ang pandemiya.

Aniya, matapos magpalabas ng advisory ang World Health Organization (WHO) ukol sa virus ay kaagad niyang binuo ang Inter-Agency Task Force (IATF) for the Management of Emerging Infectious Diseases sa loob ng 48 oras.

Aniya pa, ang desisyon niyang magpatupad ng lockdowns ay kaagad na ginawa bunsod na rin ng rekomendasyon ng medical experts kabilang na si Health Secretary Francisco Duque III. (CHRISTIAN DALE)

172

Related posts

Leave a Comment