BOC, USAID NAGSAMA SA NSW PUBLIC AWARENESS CAMPAIGN

Nagsama ang Bureau of Customs at ang USAID ASEAN Policy Implementation (API) para talakayin ang mga plano sa pagbuo ng Public Awareness Campaign on the National Single Window (NSW).

Kabilang dito ang pagtugon ng BOC sa ASEAN Customs Declaration Document (ACDD) lalo na at nalalapit na ang pagsasagawa ng pagpupulong ng mga bansang kasapi sa ASEAN na may layuning magtulungan sa usaping kalakalan.

Matatandaan na noong nakaraang Disyembre 2020, ang Bureau of Customs, kasama ang Department of Finance ay nagsimula na sa pakikipagtrabaho sa USAID ASEAN Policy Implementation project para mapabuti ang Philippines’ National Single Window Implementation (NSW) na may kaugnayan sa pagbibigay ng technical assistance para paganahin ang NSW sa palitan ng ACDD.

May mahigit sa dalawang buwan mula noon ang isinagawang technical assis­tance at isinulong din ang isang public awareness campaign para agad na maabot ngayong taon ang kanilang minimithi.

Kaugnay nito, ang kanilang goal ay para pataasin ang higit na kamalayan sa paggamit ng ATIGA e-form D (Electronic Certificate of Origin) maging ang ACDD (Export Declaration).

Dahil sa COVID-19 pandemic, ang pinakamabisang public awareness campaign ay sa pamamagitan ng mga online activities gaya ng ‘infographics, audio-visuals presentations, written displays such as trifold, brochures, banners consisting informat­ion about the ASW and ACDD among the few’.

Ang kampanya ay ini-release at ginanap sa pama­magitan ng mainstream social media platforms ng BOC at webpage ng USAID ASEAN.
(Joel O. Amongo)

181

Related posts

Leave a Comment