TOP 6 MOST WANTED, ARESTADO SA ZAMBALES PPO

ALINSUNOD sa kampanya ni PNP chief, P/Gen. Debold M. Sinas na arestuhin ang nalalabing nakalalaya pang mga kriminal, nanguna si P/Col. Romano V. Cardiño, Zambales Provincial Police Office director, sa pag-aresto sa top 6 most wanted person, municipal level, sa Botolan, Zambales, sa kasong 3 counts ng robbery with force upon things.

Ang suspek na kinilalang si Aurelio Dejesa y Pelayo ay nadakip noong Martes, Abril 20, dakong alas-5:30 ng madaling araw sa Brgy. Bancal, Botolan, Zambales.

Sa pangunguna ng Zambales PPO, kasama ang mga operatiba ng Botolan MPs, PIU Zambales PPO, CIDG-PFU Zambales, sa pangunguna ni P/Maj. Christopher L. Baybayan, ay nagsagawa ang mga awtoridad ng intelligence operation para matunton ang suspek at maisilbi ang warrant of arrest na inisyu ni Hon. Romulo M. Estrada, presiding judge ng RTC Branch 71, 3rd Judicial Region, Iba, Zambales, na may petsang Abril 22, 1997.

Napag-alaman, ang suspek ay nagtago sa loob ng halos 24 taon at nagpalipat-lipat ng lugar sa Zambales upang makaiwas sa mga pulis.

Gayunman, sa matiyagang paghahanap ng mga tauhan ng Zambales PPO ay nadakip ang suspek.

Ang suspek ay kasalukuyang nasa kustodiya ng Botolan MPS lock-up jail. (JESSE KABEL)

117

Related posts

Leave a Comment